Avast BreachGuard
Protektahan ang iyong sensitibong online na impormasyon mula sa mga paglabag sa data at pangongolekta ng mga third party.
Depensahan ang iyong privacy gamit ang BreachGuard
Subaybayan ang mga paglabag sa data 24/7
Bawiin ang iyong personal na impormasyon
Makakuha ng matalinong payo para sa privacy
Nangyayari araw-araw ang mga paglabag sa data, pero pinapanatili kang ligtas ng BreachGuard sa lahat ng oras
Kung ma-hack ang isang website na ginagamit mo…
… at nanganganib ang iyong personal na impormasyon…
… natutukoy namin ang pag-hack at tumutulong na iligtas ka.
Bantayan ang iyong personal na impormasyon
Iwasan ang mga advertiser gamit ang aming extension sa browser
Mag-opt out sa mga kumpanyang sinusubukang kolektahin at gamitin ang iyong personal na impormasyon habang nagba-browse ka sa web.
Pinapasimple ng BreachGuard ang pagprotekta sa iyong mga sensitibong account
Palakasin ang mga setting ng privacy ng iyong online na account
Makakuha ng malinaw na pangkalahatang-ideya ng iyong privacy
Maaaring iniisip mo rin…
Saan puwedeng makompromiso ang aking personal na impormasyon online?
Puwedeng kolektahin ng mga third-party na data broker at advertiser ang iyong personal na impormasyon nang hindi mo alam o nang hindi sumasang-ayon dito. May malaking legal na market para rito, kahit na medyo kontrobersyal ito.
2. Mga iligal na pamilihanMga online na pamilihan ito, na karamihan ay nasa dark web, kung saan ibinebenta ng mga hackerang iyong personal na impormasyong ninakaw nila, kasama na ang mga credit card number. Puwede itong humantong sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
3. Mga serbisyo sa pag-sign upAng Facebook at Google ay mga libreng serbisyo na umaasa sa iyong data para gumana. Palasak ang paggamit nila ng data na ito, ini-store at pinagsasama-sama ito para bumuo ng larawan mo batay sa iyong paggamit ng kanilang mga serbisyo.
Ano ang paglabag sa data?
Ang mga data breach ay nagaganap kapag ang sensitibong data ay nalantad. Naka-store ang iyong digital na impormasyon sa buong mundo sa daan-daang database. May mga ipinapatupad na hakbang na panseguridad ang karamihan ng mga kumpanya para mapigilan ang mga pagtatangka ng hacker, at mga problemang dulot ng paglabas ng data. Ang panganib ay puwedeng maibenta ang lumabas mong data sa dark web.
Ano ang dark web?
Ang dark web ay isang bahagi ng internet na maa-access lang gamit ang isang nag-a-anonymize na network tulad ng Tor browser. Bagama't may masama itong reputasyon, ang dark web ay isang mas pribadong bahagi lang ng internet. Gayunpaman, ang sobrang privacy na naibibigay ng darkweb ay nagpapadali sa ilegal na aktibidad na mangyari, dahil puwedeng bumili at magbenta ang mga hacker ng personal na impormasyon na posibleng galing sa isang paglabag sa data. Humahantong ito sa pagnanakaw ng credit card, at iba pang masasamang bagay. Para maging malinaw, ang mga legal na data broker na nabanggit sa itaas ay hindi nagsasagawa ng operasyon sa dark web.
Paano ko aalisin ang aking personal na data sa internet?
Sa madaling salita, kumplikado ang pag-aalis ng personal na data sa internet. Bagama't napakahirap kahit ang pag-alam lang kung sinong mga data broker ang may hawak ng iyong impormasyon, kakailanganin mong magpadala ng mga kahilingan sa bawat broker na hinihiling sa kanilang alisin ang iyong impormasyon sa kanilang database. Bagama't kailangan nilang sumunod ayon sa batas, tumatagal din ito. Kahit na ang mga kilalang serbisyo tulad ng Google at Facebook, na nag-aangking gagawin nilang opsyon ang privacy, ay hindi ito magawa nang direkta o madali. At, sa mga pinakamasamang sitwasyon, kung naibenta na ang iyong impormasyon sa dark web, halos imposible na itong maibalik. Kaya naman mahalaga ang mahusay na seguridad.
Paano ako gagawa ng malakas na password?
Ang mga password manager ang pinakamahusay na paraan para gumawa ng malalakas na password. Lumilikha sila ng isang random na grupo ng mga character na magiging napakahirap na alalahanin at automatic na ifi-fill in ang iyong login information para sa'yo kapag kinakailangan. Kung gusto mong gumawa ng malakas na password, mas mabuting gumamit ng grupo ng mga salita – halos isang pangungusap – at marahil maglagay ng ilang numero para mas sigurado, tulad ng “hereismymagnificentspasswordthatimadein2020”.