Avast Premium Security
Ang Avast Premium Security ay hindi lang basta antivirus, isa itong kumpletong online na proteksyon para sa lahat ng iyong mga computer, telepono, tablet.
Seguridad na iniakma para matugunan ang iyong mga pangagailangan
Mga custom na feature para sa PC, Mac, Android, at iPhone/iPad para gawing ligtas ang iyong mga device kung saan nito pinakakailangan.
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga opsyong Pang-isahan at Pangmaramihang-Aparato na piliin ang proteksyong pinakaangkop para sa iyo.
Ang “Hanggang 10 device” ay nangangahulugang puwede mong ibahagi ang iyong seguridad sa lahat ng iyong device o sa mga taong pinakamalapit sa iyo.
Proteksyon laban sa iyong pinakamalalakas na kalaban online
Nagbibigay ng proteksyon ang Avast Premium Security laban sa lahat ng online na banta kasama ang mga pekeng website at ransomware.
Ngayon, ligtas ka nang makakapamili at makakapag-bangko online
Ang mga pekeng website ay isa sa mga pinakalumang paraan ng pag-hack. Inii-scan ng Avast Premium Security ang mga website para sa mga panganib sa seguridad sa iyong computer at mobile phone, para makakapamili ka na at makakapag-bangko online nang ligtas sa anumang device.
TECH CORNER
Ang mga pekeng website ay lalong naging sopistikado sa paglipas ng mga taon. Halimbawa, puwedeng gumamit ng DNS spoofing ang isang hacker para gumawa ng kahina-hinalang duplicate ng isang legal na website sa pamimili o pagbabangko. Ang layunin ay linlangin ka sa pag-type ng mga detalye ng iyong credit card o impormasyon sa pag-login sa pagbabangko sa pekeng site – bago mo ito malaman, naibigay mo na ang iyong sensitibong impormasyon sa isang estranghero.Pinapanatili kang ligtas ng Avast Premium Security sa pamamagitan ng awtomatikong pag-redirect sa iyo sa mga ligtas na site, na tinitiyak na hindi ka mapunta sa isang pekeng website. Nagbibigay din ito ng proteksyon laban sa mga na-hack na router na gumagamit ng pekeng mga setting ng DNS para magpadala sa iyo ng mga pekeng website.
Pigilan ang mga hacker sa pagkontrol sa iyong PC
Dumarami ang mga remote access na pag-atake – at ang huling bagay na gusto mong mangyari ay ang makontrol ng hacker ang iyong PC at pasukan ito ng malware o i-Pang-lock ang mga file mo gamit ang ransomware. Pinoprotektahan na ngayon ng Avast Premium Security ang iyong PC laban sa mga pag-atakeng ito.
TECH CORNER
Ang pinakapangunahing vector para sa mga remote access na pag-atake ay ang Remote Desktop Protocol (RDP) ng Microsoft. Ang RDP ay isang kapaki-pakinabang na tool sa pagpapahintulot ng remote na pag-access kung kinakailangan, pero puwede itong maging butas para sa pag-atake kung hindi magagamit nang tama. Nagbibigay ng proteksyon ang Shield sa Remote na Pag-access laban sa gayong mga pag-atake sa tatlong paraan:
- Pagtukoy at pag-block sa mga brute-force na pag-atake sa pamamagitan ng pagbibilang ng mga hindi matagumpay na tangkang pag-log in sa loob ng isang tinukoy na yugto ng panahon at pag-block sa IP address na nauugnay sa mga pagtatangkang ito.
- Pagpapanatiling ligtas ng mga kilalang kahinaan sa OS at pagpigil sa mga exploit na pag-atake ng RDP na gustong pasukin ang mga ito.
- Awtomatikong pag-block sa lahat ng nakilalang IP address na nagkakalat ng malware sa pamamagitan ng pag-exploit sa mga port ng RDP. Patuloy na nag-a-update ang aming database gamit ang aming AI algorithm.
Alinmang device ang ginagamit mo, protektado ka namin
Puwedeng nagtataka ka pa rin…
Bakit sulit magbayad para sa proteksyon ng antivirus?
Bagama’t mayroon ang libreng antivirus na software ng lahat ng mahalagang proteksyon na kailangan mo para manatiling ligtas online, ang premium na antivirus software ay may mga karagdagang feature na magpapahusay sa iyong seguridad at magbibigay sa iyo ng mga tool na kakailanganin mo para malaban ang mga bagong papausbong na banta. Gamit ang Avast Premium Security, awtomatiko mong matutukoy at maiiwasan ang mga malisyosong website, at mapipigilan ang mga remote na pag-hack. At puwede mong i-extend itong mga karagdagang proteksyon sa hanggang sampung devices – upang maprotektahan mo ang iyong pamilya at kaibigan.
Subukan ang Avast Premium Security ngayon na may 30-araw libreng pagsubok at maranasan ang lahat ng inaalok nito para sa iyong sarili.
Subukan ang Avast Premium Security ngayon na may 30-araw libreng pagsubok at maranasan ang lahat ng inaalok nito para sa iyong sarili.
Ano ang mga kinakailangan sa system para sa Avast Premium Security?
Kinakailangan ng Avast Premium Security na maabot ng iyong device ang mga sumusunod na minimum na kinakailangan sa system:
MAHALAGA: Hindi sinusuportahan ang Avast Premium Security (hindi tumutugma, hindi puwedeng i-install, at hindi gagana) sa DOS, mga edisyon ng Microsoft Windows na mas nauna sa Windows 7, mga operating system ng Microsoft Windows Server, o anupamang hindi natukoy bilang sinusuportahan.
Ano ang pagkakaiba ng mga subscription sa Avast Premium Security (Isang Device) at Avast Premium Security (Pangmaramihang-Aparato)?
Bagama’t parehong nag-aalok ng kumpletong online na seguridad ang dalawang uri ng suskrisyon sa Avast Premium Security, angkop ang bawat isa para sa partikular na bilang ng mga device. Prinoprotektahan ng suskrisyon sa Avast Premium Security (Isang Device) ang isang device sa platform na gusto mo. Ang uri ng suskrisyon na Isang Device ay magagamit para sa isa sa mga sumusunod na produkto:
Prinoprotektahan ng suskrisyon sa Avast Premium Security (Pangmaramihang-Aparato) ang hanggang 10 device, anuman ang platform.
Puwede ko bang baguhin ang 10 device na activate ng suskrisyon ko sa Avast Premium Security (Pangmaramihang-Aparato)?
Oo. Kung mayroon ka nang 10 device na activate gamit ang iyong suskrisyon sa Avast Premium Security (Pangmaramihang-Aparato), dapat mong i-uninstall ang Avast Premium Security mula sa isang device bago i-activate ito sa bagong device. Kapag na uninstall, puwede mong i-install ang Avast Premium Security sa bago mong device. Para ma-activate ang product sa bagong device, pumunta sa iyong Account sa Avast, at kunin ang code para mapagana para sa Avast Premium Security (Pangmaramihang-Aparato).
Kailangan pa bang i-unistall ang dati kong bersyon ng Avast Antivirus bago mag-upgrade sa Avast Premium Security sa PC ko?
Kung mayroon ka nang Avast Pro Antivirus, Avast Internet Security, o Avast Premier bersyon 7.x o mas bago, hindi mo kailangan i-uninstall ang iyong kasalukuyang bersyon. Awtomatikong tinutukoy ng pag-set ng Avast Antivirus ang mga bersyong ito at ina-upgrade ang kasalukuyang pag-install sa Avast Premium Security (para sa PC, Isang Device).
Bisitahin ang aming Support Center para sa higit pang FAQ
Minsanang solusyon para sa lahat ng iyong pangangailangan sa seguridad online
Halos tapos na!
Kumpletuhin ang pag-install sa pamamagitan ng pag-click sa na-download mong file at pagsunod sa mga tagubilin.
Sinisimulan ang pag-download...
Paalala: Kung ang iyong pag-download ay hindi awtomatikong nagsimula, mangyaring mag-click dito.
I-click ang file na ito upang simulan ang pag-install ng Avast.
Para sa mga katuwang