Bersyon 1.5 (Nirebisa Hunyo 01, 2020)

PATAKARAN SA KANSELASYON AT REFUND PARA SA MGA SOLUSYON NG AVAST, AVG, CCLEANER AT HMA

Nag-aalok kami ng 30 araw na garantiyang balik-bayad sa mga subscription para sa ilang Solusyon ng Avast, AVG, CCleaner (kabilang ang Defraggler, Recuva at Speccy) at HMA na direktang binibili ng mga end user mula sa amin sa pamamagitan ng aming mga online retail store o sa pamamagitan ng Google Play. Kung kwalipikado ng iyong pagbili, at sumunod ka sa lahat ng mga panuto sa Kanselasyong ito at sa Patakaran sa Pasauli sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagbili, aming puputulin ang iyong subscription at isasauli nang 100% ang presyo na iyong binayad para sa kasalukuyang Termino ng Suskrisyon [Subscription Term].

Pinahihintulutan ka rin namin na kanselahin ang iyong subscription at humiling ng refund (prorated para sa hindi nag-expire o hindi nagamit na bahagi ng Tuntunin ng Subscription) kung magbibigay kami ng abiso sa iyo na binabago namin ang Kasunduan sa Lisensiya ng End User na pinasok namin sa iyo hinggil sa naturang subscription at/o Solusyon (ang "EULA"), at tumututol ka sa naturang pagbabago sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng naturang abiso.

Kung naka-kundisyon ang iyong subscription sa pagbabayad mo ng bayarin o singil, at kung hindi kami nakatanggap ng bayad sa ika-15 araw pagkatapos ng takdang petsa ng pagbabayad, ituturing na isinuko mo ang iyong lisensya para magamit ang Solution, at ang lisensya ay ite-terminate kaagad nang walang karagdagang aksyon mula sa iyo o sa amin.

Paghiling ng Kanselasyon at Refund mula sa Amin.

Bago ka magsimula, mangyaring basahin ang lahat ng pagbabawal at limitasyon na inilarawan sa Patakaran sa Kanselasyon at PRefund [Cancellation at Refund Policy] na ito. Kung ikaw ay kwalipikado para sa isang kanselasyon at refund sa iyong binili, at iyong binili ang subscriptionn nang direkta mula sa amin gamit ang aming online retail store o mula sa Google Play, mangyaring sumunod sa mga panuto sa ilalim:

Mga Produktong Binili mula sa Amin at Mga Subscription na Itinigil Mo dahil sa Ipinabatid na Mga Pagbabago sa EULA. Upang humiling ng kanselasyon at refund para sa subscription na iyong binili mula sa amin sa pamamagitan ng aming mga online retail store, o para itigil ang isang subscription dahil tumutol ka sa isang pagbabago sa EULA na ipinabatid namin sa iyo, mangyaring hanapin ang email ng kumpirmasyon o invoice na direkta naming ipinadala sa iyo kaugnay sa iyong pagbili, dahil sasabihin nito sa iyo kung aling kumpanya ng Avast ang kailangan mong kontakin (na maaaring ang pangalan ng brand ng Solution) at maglalaman ng ilang ibang impormasyon na kailangan mong ibigay sa amin upang hilingin ang iyong kanselasyon at refund. Pagkatapos ay, i-click ang link sa ibaba at sundin ang mga tagubilin sa naka-link na page:

Mga produktong pang-consumer na binili mula sa Avast

Mga produktong pang-negosyo na binili mula sa Avast,

Mga produktong pang-negosyo na binili mula sa AVG,

Mga produktong pang-consumer na binili mula sa AVG,

Lahat ng produktong pang-negosyo at produktong pang-consumer na binili mula sa CCleaner (kabilang ang Defraggler, Recuva at Speccy),

Lahat ng produktong pang-negosyo at produktong pang-consumer na binili mula sa HMA

Mga Produktong Binili mula sa Google Play. Upang humiling ng kanselasyon at refund sa subscription at/o Solusyon na iyong binili mula sa app store ng Google Play, kailangan mong maglaan sa amin ng email address na iyong ginagamit sa Google Play upang makabili ng suskrisyon at/o Solusyon at ng Transaction ID para sa pagbili. Makikita mo ang Transaction ID sa pamamagitan ng: (i) paghanap ng email na ipinadala sa iyong Google Play account para kumpirmahin ang iyong pagbili; or (ii) pag-log in sa portal Google Payments sa http://payments.google.com gamit ang Google Play account na iyong ginamit para sa pagbili, at pagkatapos ay hanapin ang partikular na transaksyon sa seksyon ng Subscription at Mga Serbisyo. Kapag mayroon ka nang email address sa Google Play account at Transaction ID, i-click dito para humiling ng mula sa Avastdito para sa AVGdito para CCleaner, o dito para sa HMA, at sundin ang mga tagubilin sa naka-link na page.

Mga Paghihigpit at Limitasyon.

Mga Paghihigpit Patungkol sa Mga Produktong Binili mula sa isang Reseller (kabilang ang Pisikal na Tindahan o Online Store (hal., Apple App Store)). Upang humiling ng isang refund sa isang suskrisyon at/o Solusyon na iyong binili mula sa isang pisikal na tindahan, sa app store ng iTunes o anumang ibang reseller (na hindi binanggit sa itaas), sa halip na direkta mula sa amin, mangyaring kontakin ang reseller patungkol sa iyong patakaran sa kanselasyon at refund at anumang kahilingan sa refund. Hindi kami nagbibigay ng mga refund sa mga ganoong pagbili.

Mga Paghihigpit Patungkol sa Hardware. Kung bumili ka ng hardware (halimbawa, Avast Omni hub) kailangan mong isauli muna ang hardware bago simulan ang proseso ng refund. Mangyaring kontakin ang aming support team para sa paliwanag at tulong patungkol sa proseso ng pagsasauli ng hardware. Maaari mong kanselahin ang hardware na na-order na anumang oras bago ipadala ang hardware sa iyo.

Mga Paghihigpit sa Mga Refund sa Mga Reseller, Distributor at Channel Partner. Kung iyong binili ang subscription at/o Solusyon para sa muling pagbenta sa pangatlong-partido, ikaw ay may karapatang makatanggap ng refund kung ang karapatan ay ibinabahagi ng iyong Kasunduan sa Muling Pagbentra [Reseller Agreement], Kasunduan sa Pamamahagi [Distribution Agreement], Kasunduan sa Channel Partner [Channel Partner Agreement] o ibang kasunduan sa amin. Mangyaring i-review ang iyong kasunduan sa amin bago humiling ng kanselasyon at refund.

Iba pang Paghihigpit. Hindi kami nagpapahintulot ng kanselasyon at refund para sa pagbili ng anumang:

  • Solution nakumpleto mo ang pagbili nang lampas 30 araw bago ang petsa ng iyong hiniling na kanselasyon at refund
  • CD, DVD o ibang pisikal na bagay kung saan namin ibinibigay ang kopya ng isang Solution, maliban kung ang pisikal na bagay ay depektibo.
  • Serbisyo na natapos na namin bago ang pesta na hiniling mo ang kanselasyon at refund
  • Solution sa loob ng 6 na buwan matapos mong matanggap ang kanselasyon at refund para sa anumang naunang pagbili ng parehong Solution
  • Solution kung saan mo nilabag ang aming Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit
  • Solution kung saan mo nilabag ang aming Kasunduan sa Lisensya ng End User
     

Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan (Mga Residente Lamang ng EU).  Kung ikaw ay isang consumer at nakatira sa European Union at bumili ka ng subscription at/o Solution online mula sa isa sa aming mga kumpanya na nakabase sa European Union, maaaring may karapatan kang tugunan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa amin sa pamamagitan ng isang platform sa internet para sa online na resolusyon sa hindi pagkakaunawaan na itinatag ng European Commission (ang “ODR Platform”). Ang Platform ng ODR ay nilalayong mag-asikaso ng mga resolusyon sa labas ng hukuman kaugnay sa mga pagbiling online ng mga bilihin at serbisyo sa pagitan ng mga mamimili at mangangalakal na nakabase sa European Union.  Makikita mo ang Platform ng ODR sa pamamagitan ng pagsunod sa link na ito: http://ec.europa.eu/consumers/odr/.  Mangyaring tandaan na ang aming Kasunduan sa Lisensya ng End User ay nangangailangang kontakin mo muna kami at magbigay sa amin ng oputunidad na lutasin ang iyong isyu bago mo simulan ang anumang proseso sa resolusyon ng hindi pagkakaunawaan.